Sunday, October 20, 2019

Mga aral mula sa DIARY ng PULUBI by Chinkee Tan


Sa lahat ng mga nabasa kung libro tungkol sa katip-tipiran isa lamang ang talagang nagpamulat sa akin ng simply pero totoong pagtitipid. Being an OFW for the past 9 years + namulat ako on how to take good care of my finances sa tulong ng mother ko. One thing na natutunan ko sa kanya bago pa man ako naging OFW ay ang pagbili ng gold jewelry. Tuwing sweldo ko parang nag echo sa akin ang words nya "Ya tinumu a bulawan sa balegkas" (Gold Jewelry is better than cloths). Kasi para sa kanya ang mga damit ay naluluma ng panahon at nawawala and value nito, samantalang ang gold jewelry ay may mataas na value appraisal habang ito ay tumatagal. Kaya nung 1st job ko i really brought a jewelry and gave to her. Since then naging habit kona ito. Allhamdullilah.

Although i dont buy much luxuries madami pa rin akong mga bad habits na sa librong ito ni Mr. Chinkie Tan ay natuto ako. Kung anu ba ang mga natutunan ko, halika at alamin nating muli.

Window Shopping
Para sa mga OFW ang window shopping ay isang pamlipas oras lamang. Trabaho ng karamihan na every weekend ay mag wi-window shopping, pero totoo nga ba na window shopping lamang ang ating nagagawa? Sa aking palagay ay napapa gastos tayo ng Pamasahe at, pagkain habang ginagawa ito, at ang ending lage tayong my bitbit na supot ng ating mga pinamili. Tama ba? Minsan nataon pang sale sa mall, kaya lumalaki nanaman ang ating mga mata dahil sa sale, kaya imbes na wala tayong balak bumili ay napapgasto talaga tayo. Kung baga ito ay nagiging un-planned purchase!

Kayabangan
Marami sa ating ang brand conscious lalo na ang mga OFW na pag nag suot dapat talaga my tatak. Ang damit dapat talaga may buwaya sa dibdib. Ika nga Lacoste kung lacoste at talagang dapat original! Sympre can afford na si Ate at Kuya kaya bili lang ng bili sabay post sa kanyag facebook at Instagram. Di pa nakuntento kung anu-anu pang branded  items ang bibilhin gaya ng I-phone kahit wala namang ipon! masabi lamang na can afford ang Lolo at Lola mo pero ang totoo nyan ay pang one week na lang ang budget na naiwan and the rest of that ay balik naman sya sa delata dahil ibinili na ng sweldo ng branded items.

Party Animal
Sabi sa kanta "Sayo ang Pulutan, sayo ang inuman Happy,happy Birthday!" kaya kahit namumulubi kana manlilibre ka talaga. Yung iba dahil sa di matatwarang pride chicken kailangan talaga bongga. Kaya after the party medyo dihado na. Dito na rin papasok ang ating pagkahilig sa mga pagkain, tayo pa namang pinoy ay mahilig talaga kumain, at kadalasan gusto talaga natin ang high end restaurant. Wala naman pong masama dito basta kaya ng ating budget o ito ay ating napag ipunan ng tama at sapat.

Generosity
Ito ang sakit ng karamihan sa ating mga OFW. Dahil akala ng karamihan na tayong mga nasa abroad ay mayayabang este mayayaman. Kaya pag dating sa financial need nila ay wala silang ka preno-preno na mangutang sa atin at ang masakit ito ay Utang kalilimutan na! Pag siningil mo ikaw na si mayabang at walang utang na loob kaya kalimitan pinipili nating tumahimik na lamang habang pumuputok na ang mga kalooban natin.

Kabayan nabiktima kana ba ng ganito? Saklap diba. Tsk!tsk!tsk! Kalimitan pagka kuha ng sweldo natin ay pinapadala natin kaagad sa mahal natin sa buhay, after that yung naiwan pinag kakasya na natin, pero kasi nagdrama sila sa Pilipinas. Kalimitan kahit kamag anak mo na hindi mo naman close ay nag memesage na din sayo sa FB kasi nga OFW kana. Ang ending ikaw na si Mr. o Ms Pulubi dahil ibingay mona lahat pero di pa rin sapat!

Travel Habit
Usong-uso na ngayon ang travel goals dahil sa social network. Lahat naman tayo diba may pangarap na puntahan ika nga ito ay ating dream destination. Wala namang masama dito, ang mahirap lang ay yung naka Credit Card ang travel mo. Kaya payo ko pag ipunan mo muna bago ka mag travel. Mas nakakagaan kasi sa pakiramdam na wala kang utang na inaalala, mas naeenjoy mo ang scenic view at mas di nakakahiyang mag post ng photo pag wala tayong utang. Also plan ahead po, mag research muna sa ating dream destination, alamin ang mga travel stories dun and for sure may makikita tayong mga advises kung saan tayo makakatipid at kung paanu tayo makakasave sa ating pupuntahan bansa.

Pasalubong
Kultura na nating mg Pilipino na bigyan ng pasalubong ang ating pamilya tuwing tayo ay nagbabakasyon. Taman naman yun, kasi yun ay one way of expressing our love to them. Pero wag naman na pati ang buong baranggay mo ay papasalubungan mo. Dapat nating i-consider ang ating budget. Hindi mo dapat ipangutang may maipasalubong ka lamang sa kanila, lagi mong ipa-intindi na ito lamang ang kaya mo at wag kang mahihiya sabihin ito sa kanila. Its always better to be honest than to act like you can please all of them because the truth you can never please anybody. Laging it will never be enough and drama!


Ikaw, nabasa mo na ba ang Libro ni Mr. Tan? i-share mo naman ang natutunan mo sa comment section. Xoxo

Disclaimer: Ito po ay aking opinyon lamang na maaring angkop o hindi para sa inyo. Wala po akong pinatatamaan o tinutukoy sa article na ito, ito ay base lamang sa aking experience or lesson learned sa experience ng mga taong aking nakilala.


No comments:

Post a Comment